top of page

Mga Kampanyang Pangkalikasan

Naging masyadong depende ang mga tao sa paggamit ng plastik para sa pang-araw araw na buhay. Ang sobrang paggamit ng plastik ay isa sa pinakamalubhang problema sa buong mundo. Kailangang bawasan ang paggamit ng plastik dahil ito ay may napakaraming negatibong epekto sa lahat.

(Puno,Rojas,Romeo)

Sa paglipas ng panahon, tumataas ang konsentrasyon ng polusyon ng hangin sa bansang Pilipinas. Dahil sa polusyon na nanggagaling sa mga pabrika, kotse, gasolina at eroplano, may mga negatibong epekto sa kalikasan at  sa mga mamamayan katulad na lamang ng sakit sa baga at puso, hika at maaring humantong pa sa kamatayan. Kung kaya’t ang aming layunin ay ang pagpapalaganap at pagsasagawa ng “green roofs” sa bansa nang sa gayon ay mabawasan ang “carbon dioxide” sa hangin upang mapaunlad ang pangangalaga sa kalikasan at ang pagsalba ng napakaraming buhay.

(Yatco.Yu)

Mga Kampanyang Pantao

Kaamogohan
3.JPG

Ang kampanyang ito ay para sa mga

Lumad na nagdudurusa dahil sa gobyerno ng ating bansa. Ninanais ng kampanyang ito na makatulong sa mga Lumad sa pamamagitan ng pagmamulat tungkol sa tunay na kalagayan ng mga katutubong ito at makapangalap ng mga materyal na donasyon para sa kanila.

(Antonio, Avila, Bartolome)

Hangad
5.JPG

Karapatan ng bawat bata mula sa lahat ng antas sa lipunan na mabigyan ng pagkakataon upang gawin realidad ang kanilang mga hangad. Sila ay ang kinabukasan, at ang kanilang edukasyon ay ang magsisimula ng ating kaunlaran bilang bansang Pilipinas.

(Katigbak, La'O, Lazaro)

PPK
8.JPG

Nilalayon ng kampanyang ito na ikalat ang kamalayan sa kasalukuyang isyu ng diskriminasyon sa katawan. Nilalayon din nito na lutasin ang isyung ito sa pamamagitan ng positibong mga aksyon at impluwensya sa pagtanggap ng kaisipan sa iba.

(Caringal, Berena, Baylon)

Katarungan para sa mga Bilanggo
Capture.JPG

Layunin ng kampanyang ito na ipagtanggol ang mga karapatang pantao ng mga bilanggo. Bagama’t sila’y nagkasala, hindi ito dahilan upang pagkaitan sila ng gobyerno ng kanilang mga karapatan.

(Dimapilis, Espino,Fernandez)

Mga Kulay ng Bahaghari
6.JPG

Karapatan ng bawat bata mula sa lahat ng antas sa lipunan na mabigyan ng pagkakataon upang gawin realidad ang kanilang mga hangad. Sila ay ang kinabukasan, at ang kanilang edukasyon ay ang magsisimula ng ating kaunlaran bilang bansang Pilipinas.

(Katigbak, La'O, Lazaro)

Ha-ya
9.JPG

Natuklasan na ang mga lokal na kumpanya sa Pilipinas ay pinaghihirapang magtagumpay sa negosyo, dahil sa kolonyal na mentalidad. Ha-ya ay isang kampanya na may isang layunin: paunlarin ang mga lokal na negosyo, na tumutulong din sa ekonomiya at sa pagkakakilanlan ng mga Filipino.

(Maranon, Medalla, Ong)

Ibalik ang Kayumanggi
4.JPG

Ang kagandahan ng isang tao ay hindi nakabatay sa kulay ng balat, kundi sa katauhan ng indibidwal na nakaugat sa kanyang kultura. Taglayin ang pagmamahal at pagpapahalaga para dito sa pamamagitan ng pagbubura ng mantsa ng kolonyalismo.

(Fernandez, Gonzaga, Hernandez)

Whitewashing sa Midya
7.JPG

Sa kasalukuyang panahon, makikita sa buong mundo ang isyung kasanayan ng pag-whitewash kung saan mas tanggap sa medya ang mga puti o mga taong nanggagaling sa kanlurang parte ng mundo kaysa sa mga POC (people of color). Dahil dito ang pangunahing layunin namin ay ang pagtigil ng pag-whitewash at pagbibigay oportunidad sa lahat ng lahi, lalo na ang mga POC at hindi lang ang mga puti.

(Roxas, Runes, Samonte)

Himlayan
10.JPG

Ang Himlayan, na nangangahulugang isang lugar ng pahinga sa Filipino, ay isang pagtataguyod na naglalayong maipalaganap ang kamalayan sa isyu ng kahirapan na nakikita sa kabataang Pilipino ngayon. Upang ito’y makamit, gusto naming pukawin ang aming kabataan upang kumilos sa isyung ito sa pamamagitan ng aming mga iminungkahing solusyon.

(Sison,Tanjutco,Taylo)

bottom of page